(11 AM Update)
Nag-landfall na sa bahagi ng Cortes, Surigao del Sur ang bagyong Basyang kaninang alas-9:15 ng umaga.
Ayon sa PAGASA, humina na ang bagyo at isa na lamang tropical depression.
Huling namataan ang bagyo sa bisinidad ng Cantilan, Surigao del Sur.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro kada oras at pagbugsong papalo sa 75 kilometro kada oras.
Kumikilos ang bagyo pa-kanluran hilagang kanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras.
Nakataas pa rin ang signal number 1 sa Palawan kabilang na ang mga isla ng Calamian at Cuyo, Aklan, Capiz, Antique, Iloilo, Guimaras, Negros Occidental, Negros Oriental, Siquijor, Bohol, Cebu, Biliran, Leyte, Southern Leyte, katimugang bahagi ng Samar at Eastern Samar, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Camiguin, Misamis Oriental, hilagang bahagi ng Bukidnon, Lanao del Norte, hilagang bahagi ng Lanao del Sur, Misamis Occidental, at hilagang bahagi ng Zamboanga del Norte.
Ayon sa PAGASA, asahan ang mga pag-ulan sa bahagi ng Visayas, Caraga, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula at mga probinsya ng Davao del Norte, Davao Oriental, Compostela Valley, at Lanao del Sur.
Pinag-iingat ang mga residente sa mga nasabing lugar laban sa posibleng landslides at flashfloods.
Inaasahang sa Biyernes pa lalabas ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang bagyo.
By Aiza Rendon
Class suspensions
Kanselado ang klase sa ilang mga paaralan ngayon dahil sa masamang panahon dulot ng bagyong Basyang.
Walang pasok sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Ginoong City, Misamis Oriental, Iligan City, Tacloban City, lalawigan ng Cebu, Siquijor, Davao City, Naval, Biliran at Bohol.
Hindi ring pinayagang magkaroon ng klase ang mga estudyante sa pre-school hanggang senior high school sa Surigao City, Surigao del Norte at Jimenez, Misamis Occidental.
Habang kanselado rin ang klase mula pre-school hanggang high school sa Tanauan, Leyte at Cadic City, Negros Occidental.
By Rianne Briones