(11AM Update)
Patuloy na kumikilos ang bagyong Basyang sa direksyong pa-kanluran habang tinbutumbok ang katimugang bahagi ng Palawan.
Huling namataan ang bagyo sa layong 200 kilometro timog silangan ng Puerto Princesa City, Palawan.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kph malapit sa gitna at pagbugsong papalo sa 60 kph.
Kumikilos ang bagyo pa-kanluran sa bilis na 23 kilometro kada oras.
Nakataas pa rin ang signal number 1 sa Palawan kabilang na ang Calamian at Cuyo Groups of Islands.
Ayon sa PAGASA, posibleng muling tumama sa lupa ang bagyong Basyang sa southern Palawan mamayang gabi.
Asahan pa rin ang malawakang katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa Palawan at western Visayas sa loob ng 24 oras.
Mahina hanggang sa katamtamang lakas ng pag-ulan naman sa Visayas, Bicol Region, Zamboanga Peninsula, northern Mindanao, at Caraga.
Pinag-iingat ang mga residente sa mga nasabing lugar laban sa posibleng landslides at flashfloods.
Nananatiling mapanganib ang paglalayag sa mga karagatang apektado ng bagyo partikular sa Northern Luzon, Palawan, eastern seaboards ng Central Luzon at Visayas, at eastern seaboard ng Southern Luzon.
Inaasahang sa Biyernes pa tuluyang lalabas ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang bagyo.
By Aiza Rendon