Siniguro ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año, na maparurusahan ang sinumang kawani ng pambansang pulisya na madadawit sa bata-bata system o ginagamit ang posisyon para makapasok sa PNP recruitment ang kanilang kaanak o kakilala.
Binigyang diin ni Año, kahit malapit na kamag-anak o kaibigan pa ng isang pulis ang sumali sa recruitment program ng PNP, kapag hindi kwalipikado, wag nang ipilit upang hindi na magkaroon ng problema kalaunan.
Paliwanag ng kalihim, napakalaking tulong sa ipinatutupad na cleansing process ng PNP ang agad na pagsala sa mga aplikanteng nagnanais na maging isang pulis upang maiwasan ang anumang iregularidad.
Base sa ulat, aabot sa 17,000 bakante sa pambansang pulisya para sa taong 2020.