Patay ang 4 na taong gulang na batang babae habang kritikal naman sa ospital ang mga magulang nito matapos masagasaan ng jeep ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa brgy Bungca, Barotac Nuevo, Iloilo.
Ayon kay Iloilo Police Major Rowena Hubero, hepe ng Barotac Nuevo Municipal Police Station, papunta sana sa Barotac Nuevo ang motorsiklo na minamaneho ni Johnny Bernardo, kung saan sakay nito ang kanyang asawa na si Led Jane at 4 na taong gulang nilang anak nang mabangga ng humaharurot na jeep.
Ayon sa driver ng jeep nawalan siya ng preno kaya’t nabangga niya ang motorsiklo na sinasakyan ng magpamilya.
Hawak na ngayon ng mga otoridad ang suspek na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at physical injury. —sa panulat ni Angelica Doctolero