Patay ang isang 10 taong gulang na batang lalaki matapos mahulog sa isang concrete hole sa Mekong Delta Province sa Vietnam.
Nabatid na apat na araw nang na-trap ang biktima mula sa makitid na concrete hole sa isang construction site.
Agad namang ipinag-utos ni Vietnamese Prime Minister Pham Minh Chinh sa mga rescuer at mga otoridad na agad na saklolohan ang bata.
Gayunman, idineklarang patay na ang bata nitong Miyerkules makaraang walang marinig na pagtugon mula dito ang mga rescuer.
Sa ngayon ay hindi pa malinaw sa mga otoridad kung paano nahulog ang bata sa nasabing concrete pile.