Isang bata ang nasawi habang sugatan ang kanyang dalawang kapatid matapos sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Barangay Holy Spirit, Quezon City.
Kinilala ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang nasawing biktimang si Jorenso Batola, anim na taong gulang.
Ayon sa BFP-National Capital Region, dakong alas-9 kagabi nang magsimulang kumalat ang apoy sa kanto ng Don Vicente at Don Primitivo Streets.
Umabot ito sa first alarm at naapula naman dakong alas-10:30.
Tinatayang 25,000 piso ang halaga ng mga natupok o napinsalang ari-arian habang inaalam pa ang sanhi ng pagkalat ng apoy.