Sinaksak ng sarili niyang ina ang 5-taong gulang na babae sa loob ng isang simbahan sa Mandaue City, Cebu.
Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na nasa loob ng Saint Joseph National Shrine ang mag-ina bandang alas-4:00 ng madaling-araw noong linggo.
Sa kasagsagan ng misa, dinala ng ina ang kanyang anak sa harap ng altar, nagsisigaw ito na “aswang sila” saka nito pinagsasaksak ng ilang beses ang batang babae.
Naisugod naman sa ospital ang limang taong gulang na bata.
Nakatakdang isailalim sa psychiatric evaluation ang ginang, habang pinag-aaralan na ng DSWD na sampahan ito ng attempted parricide.
By Meann Tanbio