Walang pasok sa trabaho, gayundin sa mga pampubliko at pribadong eskwelahan sa buong Bataan bukas, ika-11 ng Enero.
Ito’y dahil sa pagdiriwang ng 264th founding anniversary ng lalawigan matapos itong ideklara bilang hiwalay na probinsya mula sa Pampanga noong Enero 11, 1757.
Matatandaang idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2018 ang ika-11 ng Enero bawat taon bilang special non-working holiday at tinawag itong Bataan Foundation Day.