Nag – alok ng isang milyong piso ang provincial government ng Bataan para maaresto ang mga suspek sa pagpatay sa isang magkasintahan.
Ang mga labi nina James Carl Guzman at girlfriend nitong si Glory Mary Carbonell ay natagpuan sa magkahiwalay na bayan sa Bataan.
Una nang napaulat na nawawala ang magkasintahan bago natagpuan ang labi ni Guzman na lumutang sa bayan ng Orion samantalang sa bayan naman ng Pilar nakita ang labi ni Carbonell.
Ang magkasintahan ay kapwa empleyado ng isang fast food chain sa Balanga at huling nakita noong Sabado ng hapon sa isang nature park.
Lumalabas sa autopsy na nasawi si Guzman dahil sa mga palo ng isang paddle samantalang nakasaad sa medical report kay Carbonell na posibleng ginahasa at pinatay ito sa pamamagitan ng paglunod.