Nakapagtala ang lalawigan ng Bataan ng halos tatlumpu’t apat na kaso ng mas nakahahawang delta variant.
Ayon sa Bataan public information office, karamihan sa mga pasyente na may nasabing nakahahawang variant ay mula sa bayan ng Mariveles.
Ang bayan ng Mariveles kung saan naitala na may delta variant ay ang mga pabrika sa probinsya kung saan naka-dorm ang mga pasyente.
Sa 34 na pasyente na may delta variant 31 na ang gumaling at dalawa ang namatay habang pagaling na ang isa.
Nasa ilalim ng enhanced communiity quarantine mula pa Agosto 8 ang lalawigan ng Bataan.—sa panulat ni Rex Espiritu