Tiniyak ng Department of Science and Technology-Philippine Nuclear Research Institute (DOST-PNRI) na ligtas ang disenyo ng Bataan Nuclear Power Plant (BNPPS) para sa posibleng rehabilitasyon nito makalipas ang ilang dekada.
Ayon kay Carlo Arcilla, director ng DOST-PNRI, kapareho ng disenyo ng bnpps ang nuclear plant na ginamit sa South Korea, Slovania at Brazil.
Aniya, bagama’t hindi nagagamit ang BNPP, patuloy naman ang pagpapatupad ng maintenance works dito.
Samantala, muli namang iginiit ni arcilla ang sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na ligtas ang bnpp kahit malapit ito ng mount natib na hindi itinuturing na aktibo. – sa panulat ni Abigail Malanday