Magtatayo ng isa pang malaking processing center para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang Bataan provincial government kasunod ng patuloy na pagdami ng mga COVID-19 cases sa mga nagbabalik probinsya at repatriated OFW.
Ayon Kay Bataan Gov. Albert Garcia, tataguriang mega facility ang itatayong 4–storey building sa tatlong ektaryang lote sa bayan ng Orani.
Lalagyan ito ng 300 kwarto at inaasahang magiging pinakamalaking COVID-19 center na itatayo sa probinsya.
Inaasahang matatapos ang naturang mega facility sa susunod na dalawang buwan.