Dumating na sa Batac City, Ilocos Norte ang kabaong ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, isang buwan bago ang nakatada niyang hero’s burial sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.
Inorder ni dating unang ginang at ngayo’y Ilocos Norte 2nd Distrcit Rep. Imelda Marcos ang solid bronze casket mula Amerika.
Bilang preparasyon sa hero’s burial, isasara ang Marcos Mausoleum sa publiko hanggang bukas.
Bago ihimlay sa Libingan ng mga Bayani, isang funeral service ang isasagawa sa Paoay at Batac churches.
AFP
Samantala, kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines o AFP na handa na ang paglalagakan sa labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Ayon kay Brig. General Restituto Padilla, Spokesman ng AFP, matagal nang may nakalaang lugar para kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Umuusad na rin anya ang negosasyon sa pagitan ng pamunuan ng AFP at pamilya Marcos upang malaman kung paano ibibiyahe ang labi ni Marcos mula sa Ilocos Norte.
Sinabi ni Padilla na bukas rin sila sakaling hilingin ng pamilya Marcos na iikot muna sa ilang mga bayan ng Ilocos Norte ang labi bago ito dalhin sa Metro Manila.
Bahagi ng pahayag ni AFP Spokesman Brig. General Restituto Padilla
By Drew Nacino | Len Aguirre | Balitang Todong Lakas
Photo Credit: ABS-CBN News Online/ www.philippine-scouts.org