Inaasahang magiging maulap na may mahina hanggang katamtamang pag-ulan at pulo-pulong pagkidlat-pagkulog sa Mindanao, Visayas, Bicol Region at lalawigan ng Palawan.
Sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa, iiral naman ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na may pulo-pulo na pag-ulan o pagkidlat at pagkulog.
Samantala, ang bagyong Ferdie ay patuloy pa ring kumikilos sa ibabaw ng Philippine Sea.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni PAGASA Weather Forecaster Chris Perez na kaninang alas-4:00 ng umaga, ito’y tinatayang nasa layong 1016 kilometers sa silangan ng Tuguegarao City sa lalawigan ng Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot ng hanggang 165 kilometro kadas oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na aabot ng hanggang 200 kilometro kada oras.
Ito ay inaasahang kikilos sa direksyong west-northwest sa bilis na 22 kilometers per hour.
Sa ngayon, nakataas ang signal number 1 sa Batanes at Babuyan Group of Islands.
By Jelbert Perdez