Niyanig ng lindol ang Batanes at Eastern Samar kaninang umaga.
Ayon sa Phivolcs, tumama ang magnitude 4.8 na lindol kaninang alas-12:54 ng madaling araw, 8-kilometro hilagang-kanluran ng Itbayat.
Tinukoy na tectonic ang origin nito at may lalim na 77 kilometro.
Habang magnitude 4 na lindol naman ang yumanig sa Eastern Samar kaninang alas-2:47 ng umaga.
Tinukoy ng Phivolcs ang lindol sa 83 kilometro timog-silangan ng Guiuan.
Tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 17 kilometro.
Kapwa naman walang naitalang napinsala at wala ring inaasahang aftershock matapos ang dalawang lindol.