Isinailalim na sa state of calamity ang buong lalawigan ng Batanes.
Kasunod na rin ito ng serye ng mga malalakas na aftershocks matapos ang magnitude 6.4 na lindol sa bayan ng Itbayat na ikinasawi ng siyam (9) katao at ikinasugat ng 60 iba pa.
Ayon kay NDRRMC executive director Ricardo Jalad , takot pa rin ang mga residente na bumalik sa kani-kanilang mga bahay dahil sa malalakas na aftershocks.
Sa ngayon, sinabi ni Jalad na tuluy-tuloy ang assessment ng DPWH sa halos 15 bahay na nasira ng lindol para malaman kung uubra pang balikan o tirhan ang mga ito.
Nasa halos 230 ang naitalang aftershocks hanggang kaninang umaga.