Laking pasasalamat ng lalawigan ng Batanes dahil sa hindi sila masyadong napinsala sa pananalasa ng bagyong Siony.
Ayon kay Batanes Gov. Malou Cayco, wala silang mga naitalang malalaking insidente tulad ng natumbang mga puno, naputol na sanga o pagguho ng lupa.
Ipinagmalaki pa ni Cayco na nakapagsagawa na sila agad ng pre-emptive evacuation bago pa man dumating ang bagyo at naging maagap din sila sa pamamahagi ng relief goods.
Kasabay nito, kinumpirma rin ng gobernadora na COVID-19 free na muli ang kanilang lalawigan dahil lalabas na sa isolation facility ang 95 locally stranded individuals (LSI’s) matapos hindi na makitaan ang mga ito ng sintomas ng virus.