Mananatiling sarado sa mga turista ang Batanes habang patuloy na nahaharap ang bansa sa COVID-19 pandemic.
Ito ay ayon kay Batanes Governor Marilou Cayco ang kapwa napagpasiyahan ng lokal na pamahalaan at stakeholders sa ginanap nilang pulong, dalawang linggo na ang nakalilipas.
Ani Cayco, unanimous o nagkakaisa ang pasiya ng lahat na huwag munang buksan sa turista ang lalawigan.
Sa kabila nito, tiniyak ni Cayco na nabigyan ng tig P10,000 pinansiyal na ayuda ang nasa 1,500 mga nawalan ng trabaho at naapektuhang maliliit na negosyante dahil sa pandemiya.
Batay sa datos ng Department of Tourism noong 2019, pumapalo sa mahigit 45,000 turista ang nagtungo sa Batanes.