Sasailalim sa dalawang linggong enhanced community quarantine (ECQ) ang Batanes.
Ito’y matapos maitala ang kauna-unahang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lalawigan.
Epektibo ang ECQ sa Batanes simula kanina, alas-12:01 ng madaling araw ng ika-30 ng Oktubre, hanggang alas-11:59 ng gabi ng ika-13 ng Oktubre.
Ibig sabihin ay limitado na ang galaw ng mga residente para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Mahigpit ding ipatutupad ang health protocols tulad ng pagsusuot ng mask at face shield, physical distancing at proper hygiene sa lahat ng mga establisyimento at opisina sa lalawigan.