Kumpirmadong nakapagtala ang lalawigan ng Batanes ng community transmission ng COVID-19.
Ito ayon sa Batanes provincial government ay matapos mag positibo sa virus ang apat na local residents nito ng walang travel history.
Dahil dito, tiniyak ng provincial government ang agarang pagsasagawa ng matinding contact tracing.
Una nang COVID free ang batanas, subalit nitong September 16 ay naitala ang 20 kumpirmadong COVID-19 cases, apat na active cases at 17 recoveries.