Mananatiling nakasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang lalawigan ng Batanes hanggang sa katapusan ng Oktubre.
Ayon sa provincial government, ito ay upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 at matutukan ang case finding at surveillance, at ang pagpapagaling ng mga pasyente.
Sa ngayon ay mayroong 238 active COVID-19 cases sa lalawigan kung saan pinakamaraming naitala sa bayan ng basco na may 208 aktibong mga kaso.
Sa kabuuan, mayroong 890 COVID-19 cases sa lalawigan ng Batanes.