Nakapagtala ng kauna-unahang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang lalawigan ng Batanes simula noong magkaroon ng banta ng nakamamatay na virus sa bansa.
Batay sa inilabas na pahayag ng COVID-19 Task Group ng naturang lalawigan, ang kauna-unahang dinapuan ng COVID-19 sa Batanes ay isang locally stranded individual (LSI) na dumating sa lalawigan noong ika-22 ng Setyembre.
Asymptomatic o walang sintomas ng virus ang naturang pasyente at agad na isinailalim sa isolation sa quarantine facility sa lalawigan.
Dahil dito, masusi nang minomonitor ang lagay ng mga natukoy na close contacts o nakasalamuha ng naturang COVID-19 patient para ‘di na kumalat pa ang virus.