Pinarerekunsider ng Batanes Provincial Government sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang anito’y over zealous o bonggang dress code na ipinatutupad sa mga paliparan kabilang ang Batanes Airport.
Sa kanyang sulat sa CAAP officials, binigyang diin ni Batanes Governor Marilou Cayco na ang probinsya bilang maliit na komunidad kung saan indigenous peoples ang karamihan sa mga nakatira, ay hindi sanay magdamit ng casual sa tuwing may susunduin o kaya naman ay kukuning mga kung anu-anong padala sa eroplano.
Itinuturing din aniyang discriminatory sa indigenous folks ang pagpapatupad ng nasabing dress code sa Basco Airport kung saan ipinagbabawal ang pagsusuot ng sando, shorts at tsinelas.
Bagamat suportado nila ang nasabing hakbang, sinabi ni Cayco na applicable o maaari lamang ipatupad ang naturang dress code sa CAAP business transactions o kung ang mga opisyal ng ahensya ay naruruon sa mismong airport.
Dismayado aniya ang mga Ivatan sa hakbangin ng CAAP bagama’t ipinag-utos ang relaxed implementation habang pinaplantsa pa ang nasabing usapin.