Pumanaw na si Batanes Representative Henedina ‘Dina’ Razon-Abad, ang asawa ni dating Budget Secretary Florencio Butch Abad.
Kinumpirma ito ng chairperson ng Liberal Party o LP na si Vice President Leni Robredo.
Bago naging mambabatas, naging dean muna si Ginang Abad ng Ateneo School of Government.
Maliban dito, nagtrabaho din si Abad para sa iba’t ibang non-government organizations at civil groups.
Nagtapos si Abad bilang cum laude sa Maryknoll College sa kursong economics at nakakuha din ito ng masters sa public administration sa John F. Kennedy School of Government ng Harvard University.
(Ulat ni Jill Resontoc)