Isang taong gulang na babae ang dinukot sa Pasay City.
Base sa salaysay ng ina na si Elenita Baguio kay pasay City Police Station Investigation and Detective Management Branch Chief Inspector Rolando Baula, naganap ang insidente noong December 29, noong nakaraang taon dakong alas-2 ng madaling araw sa panulukan ng Libertad Street at Park Avenue ng Lungsod.
Ayon kay Baguio, natutulog siya katabi ang anak na si Sunshine pero wala na ito nang gumising siya.
Isang delivery boy ang nakapagsabi sa kanya na kinuha ng isang babae si Sunshine at sumakay umano sila sa isang pampasaherong jeep patungong FB Harrison.
Kaagad na humabol si Baguio subalit hindi nito inabot ang naturang jeep.
Hindi, aniya, sila agad nagreport sa pulisya dahil sinubukan nilang hanapin si Sunshine.
Sa ngayon, patuloy pa ring nag-iimbestiga ang mga tauhan ng Pasay City Police hinggil sa insidente.
By: Avee Devierte / Allan Francisco