Isang walong taong gulang na bata ang ipinadala sa Thailand upang kumatawan sa bansa sa larong chess.
Lilipad patungong Thailand si Bince Rafael Operiano na mula sa Albay.
Ito ay matapos maipanalo kamakailan ni Operiano ang youth and schools chess championships grand finals boys under 9 categories.
Ayon sa National Chess Federation of the Philippines (NCFP), maaaring maging national master ang status ni Operiano pagtungtong nito ng sampung taong gulang.
Nagbigay-pugay naman si Albay vice governor Edcel Greco Lagman Jr. kay Operiano at umaasa ito na makatatanggap ng sapat na insentibo ang batang chess prodigy para makatulong upang mahasa pa ang galing nito sa larangan ng chess.—sa panulat ni Hannah Oledan