Nabigo ang Batang Gilas na masungkit ang bronze at 3rd place sa FIBA under 18 Asian Championship.
Ito’y makaraang resbakan ng China ang pilipinas sa score na 76-57 sa kanilang paghaharpa sa stadium 29 sa Bangkok, Thailand dahilan upang lumagpak sa 4th place ang mga Gilas player sa kartadang 3-2.
Namayagpag ang seven-footer na si Kai Sotto para sa Philippine team matapos magpakawala ng 16 points habang nag-ambag ng 14 points si Aj Edu.
Magugunitang natalo ang China sa gilas sa score na 73-63 sa kanilang preliminary-round game.
Samantala, nasilat naman ng Australia ang gold makaraang talunin ang New Zealand sa score na 72-63.