Nabawi ng mga otoridad ang walong taong gulang na kinidnap ng mga bandidong Abu Sayyaf sa Payao, Zamboanga Sibugay.
Iniharap kahapon ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang ang biktimang si Rexon Romoc.
Dinukot ng Abu Sayyaf group ang batang lalaki kasama ang kanyang mga magulang na sina Elmer at Nora noong August 5, 2016 at dinala sila sa Sulu.
Unang napalaya ang ina ni Rexon noong Aug 22,2016 matapos magbayad ng maliit na halaga at sumunod na pinalaya ang amang si Elmer noong November 13, 2016.
Sinabi ni Dureza na madalas tumawag at magtext si Nora sa kanya para humingi ng tulong sa pagligtas sa kanilang anak.
By: Avee Devierte / Aileen Taliping