Sumuko sa militar ang batang miyembro ng Abu Sayyaf sa Tipo-Tipo, Basilan.
Ayon kay 74th Infantry Battalion Commander Lt. Col. Ernest John Jadloc, nagbalik-loob ang 19-anyos na si Abuhair Kajing alyas Badero dahil sa nais na nito ang normal na pamumuhay.
Kasabay na isinuko ni Kajing ang kanyang armas at mga bala.
Nagpahayag naman ng suporta ang Philippine Army at lokal na pamahalaan ng Tipo-Tipo para sa kabuhayan ng pamilya ng sumukong Abu Sayyaf member.
Sinasabing nais makapagtapos ng pag-aaral ni Kajing.
Kasabay nito, patuloy na nanawagan ang gobyerno sa mga miyembro ng Abu Sayyaf na sumuko na rin para sa ikapapayapa ng Basilan.
By Ralph Obina