Tinamaan ng COVID-19 si Batangas 2nd District Rep. Raneo Abu.
Ayon kay Abu, nagpa-swab test siya noong Marso 25 at makalipas ang isang araw ay lumabas agad ang resulta na positibo siya.
Bilang pagsunod sa regulasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF), agad na nagtungo sa isolation facility si Abu upang magpagaling kahit siya ay sinasabing asymptomatic.