Niyanig ng magnitude 3 na lindol ang Batangas City ganap na alas- 9:19 kaninang umaga.
Ayon sa PHILVOCS, namataan ang sentro ng lindol sa labing-apat na kilometro sa kanluran ng Calatagan.
Tectonic umano ang origin ng lindol na may lalim na isandaan dalawamput pitong kilometro.
Wala namang napaulat na nasaktan o napinsala sa nangyaring pagyanig at wala ring inaasahang anumang aftershocks.