Nanatiling African Swine Fever (ASF) free ang Batangas sa kabila ng pagkamatay ng isang baboy sa bayan ng Sto. Tomas.
Ayon kay Sto. Tomas City Agriculturist Ofelia Malabanan, hindi ASF kundi respiratory disease ang naging dahilan ng pagkamatay ng baboy.
Sinabi pa ni Malabanan na patuloy ang kanilang ginagawang pag-iingat lalo na sa mga backyard hog industry para manatiling ASF free ang buong probinsiya ng Batangas.
Ang naturang probinsiya ang ikalawang pinakamalaking supplier ng baboy at pork products sa buong bansa.