Idineklara na ang state of calamity sa lalawigan ng Batangas matapos itong yanigin ng magnitude 5.5 na lindol.
Ayon kay Batangas Governor Hermilando Mandanas, malaki ang danyos ng nasabing lindol kabilang ang 18 million pesos na pagtaya nilang sinira ng pagyanig sa Batangas Provincial Capitol Building.
Kasabay nito ay sinuspinde na rin ang klase sa lahat ng antas sa probinsya para ma-inspeksyon ang mga silid-aralan.
Magugunitang pasado alas-8:00 kagabi nang maramdaman ang lindol sa malaking bahagi ng Batangas subalit pinakamalakas ang intensity 6 sa Batangas City, Cavite, Laguna, Bulacan at bahagi ng Metro Manila.
By Judith Larino