Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang Calatagan, Batangas kaninang 2:14 ng madaling araw.
Ayon sa (PHIVOLCS), tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 131 kilometro.
Natunton ang epicenter ng lindol sa layong 19 kilometro hilagang kanlurang bahagi ng Calatagan.
Naitala ang intensity 2 sa Calapan City at Puerto Galera, Oriental Mindoro; Olongapo City; at Makati City.
Naramdaman naman ang intensity I sa Marikina City; Plaridel, Bulacan; Batangas City, Calatagan, Batangas; at Tagaytay City, Cavite.
Wala namang inaasahan na napinsala ang lindol at walang inaasahan na mga aftershock.—sa panulat ni Hya Ludivico