Niyanig ng magnitude 5 na lindol ang lalawigan ng Batangas kaninang pasado 1:25 ng hapon.
Batay sa datos ng PHIVOLCS, natunton ang epicenter ng lindol sa layong walong kilometro hilagang -kanluran ng bayan ng Mabini.
May lalim itong dalawang kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Una naitala ang pagyanig sa magnitude 4.5 bago ito in-upgrade ng PHIVOLCS.
Naramdaman ang intensity 4 ng lindol sa mga bayan ng Mabini, San Luis, Lemery, Rosario, Agoncillo, Calatagan, Balayan, Bauan, Santa Teresita sa Batangas at Tagaytay City, Alfonso at Amadeo sa Cavite.
Intensity 3 naman sa Batangas City, Malvar, Talisay, Tanauan, Alitagtag sa Batangas at San Pablo sa Laguna.
Intensity 2 naman Sa Quezon City, Mandaluyong, Navotas, Majayjay Laguna at Dolores Quezon.
Intensity 1 naman sa Malabon City, Pasay, Talisay sa Batangas at Santa Cruz sa Laguna.