Inihalal si Batangas Representaive Ralph Recto bilang Deputy Speaker ng Kamara de Representantes.
Sa sesyon na isinagawa kanina ay ini-nominate ni Presidential son at Ilocos Norte Representative Sandro Marcos si Recto bilang Deputy Speaker at inaprubahan ito ng kamara.
Nabatid na nanumpa sa tungkulin si Recto kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez at sinaksihan ito ng kanyang misis na si dating Deputy Speaker at Batangas Representative Vilma Santos.
Samantala, nanumpa rin kasabay ni Recto sina las piñas representative camille villar at Ilocos Sur Representative Kristine Singson-Meehan bilang mga Deputy Speakers.