Isinusulong ni Senador Manny Pacquiao na makulong at mapatawan ng hanggang P1 milyong piso ang mga “epal” na pulitiko.
Alinsunod ito sa Senate Bill Number 1535 o Anti-Epal Law na inihain ni Pacquiao noong Agosto 1.
Sa ilalim ng panukala, inihirit ni Pacquiao na mapagbawalan ang mga incumbent government officials na gamitin ang proyekto ng gobyerno para lamang i-promote ang kanilang sarili.
Ang sinumang lalabag ay makukulong ng isang taon at pagmumultahin ng P100,000 hanggang P1 milyong piso.
Sa ikalawang paglabag, papatawan ito ng absolute perpetual disqualification.
By Meann Tanbio