Mas pinaigting ng MMDA o Metropolitan Manila Development Authority ang ipinatutupad na batas laban sa jaywalking.
Ayon kay MMDA Anti-Jaywalking Unit Head Rafael Conejero, pagmumultahin ng limang daang piso (P500) ang mahuhuli kasama pa ang paggawa ng community service tulad ng paglilinis sa mga estero.
Titikitan ang mga mahuhuling nagja-jaywalking at kinakailangang bayaran ito sa main office ng MMDA sa Orense, Makati o sa mga accredited na bangko.
Exempted naman sa naturang batas ang mga buntis, may kapansanan at may bitbit na bata.
By Rianne Briones