Sinimulan na ng Kamara ang kanilang pagtalakay sa idineklarang batas militar ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao sa pamamagitan ng committee of the whole.
Dumalo sa pagdinig ang ilang gabinete ng Pangulo na kinabibilangan nila Executive Secretary Salvador Medialdea, Defense Secretary Delfin Lorenzana, National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon at Department of Social Welfare and Development o DSWD Secretary Judy Taguiwalo.
Sa opening speech ni House Speaker Pantaleon Alvarez, kanyang ipinahihiwatig ang suporta sa ipinatutupad na martial law sa Mindanao.
Aniya, ang idineklarang batas militar ni Pangulong Duterte ay iba at hindi maaaring ikumpara sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Pagtitiyak pa ni Alvarez, walang dapat ikatakot ang publiko kanilang babantayan ang mga pangyayari sa Mindanao habang nasa ilalim ng martial law.
MILF nag-alok ng tulong sa pamahalaan para sa Marawi City
Nag-alok ng tulong ang MILF o Moro Islamic Liberation Front sa pamahalan para sa pagsagip ng mga naiipit na sibilyan sa kaguluhan sa Marawi City.
Ayon kay MILF Vice Chairman Ghadzali Jaafar, may mga impormasyon silang nakuha na marami pang residente sa lungsod ang nananatili sa loob ng kanilang mga tahanan at natatakot lumabas.
Dagdag ni Jaafar, sa pakikipagpulong nila kasama ang Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes, kaniya nang nabanggit ang kanilang planong pagtulong sa paglilikas ng mga sibilyan at malugod naman itong tinanggap ng Pangulo.
Kasabay nito, tiniyak rin ng aniya ng Pangulo ang pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng mga Moro at ng pamahalaan at ang pagpasa sa Bangsamoro Basic Law (BBL).
By Krista De Dios