Ipatutupad na ng pamahalaan simula sa Pebrero 2 ang Child Safety in Motor Vehicles Act o mas kilala bilang Child Safety in Motor Vehicles Act kung saan imamandato na sa mga pampribadong mga sasakyan ang paglalaan ng mga upuan para sa mga bata.
Ito ay upang maiwasan ang injury o pagkamatay ng mga batang sakay ng isang sasakyan sakali mang maaksidente ang sinasakyan nito.
Bilang paghahanda sa implementasyon ng bagong batas, sinimulan na ng Land Transportation Office (LTO) pagsasagawa ng mga panuntunan at ang pagsasanay sa mga magpapatupad ng naturang batas.
Habang ang Department of Trade and Industry (DTI) naman ang nakatoka para sa pagbibigay ng sertipikasyon sa mga produktong upuan para sa mga batang edad 12 pababa na ilalagay sa mga sasakyan.
Ang mga driver na lalabag sa batas ay pagmumultahin ng P1,000 sa unang opensa, P2,000 naman para sa 2nd offense at P5,000 at suspensyonng lisensya sa loob ng isang taon naman para sa ika-3 at susunod pang mga paglabag.
Paglilinaw naman ng LTO, paalalahanan pa lamang nito sa loob ng 3 hanggang 6 na buwan ang sinomang lalabag.
Samantala, aminado naman si LTO Deputy Director for Law Enforcement Roberto Valera na marami pang dapat klaruhin ukol sa implementasyon ng batas na ito.—sa panulat ni Agustina Nolasco