Target ng senado na maipasa bago matapos ang 2015 ang panukalang Customs Modernization and Tariffs Act na 10 taon nang pinag-uusapan sa Kongreso.
Ayon kay Senate Committee on Ways and Means Chairman Juan Edgardo Angara sa huling linggo ng buwang ito ay plano niyang isumite sa plenaryo ang committee report hinggil sa naturang panukala.
Dalawang public hearing na lamang aniya ang gagawin niya at tatapusin na ang committee report para mapaikot at mapapirmahn sa mga senador na miyembro ng komite.
Nakasaad sa naturang panukala na babawasan ang sobrang disgression na ibinibigay sa customs na nagiging ugat nang pang-aabuso at katiwalian.
Ang nasabing panukala ay makakatulong din para maiwasang magpatupad ang Customs ng mga hindi paborableng hakbangin.
By Judith Larino | Cely Bueno (Patrol 19)