Isinusulong sa Kamara ng re-electionist na si Albay 2nd District Representative Joey Salceda ang panukalang batas na layuning pa-suwelduhin ang mga housewife bilang pagkilala sa kababaihan na bahagi ng “nation-building.”
Ipinunto ni Salceda sa kanyang House bIll 8875, ikinukunsiderang “unproductive” ang mga misis na nakatutok lamang sa pag-aasikaso ng bata, asawa at gawaing bahay kaya’t dapat silang suwelduhan.
Nasa labindalawang (12) milyon aniyang indibiduwal kung saan 11.2 million sa mga ito ay babae na walang trabaho.
Gayunman, tutol si Gabriela Party-list Representative Emmie de Jesus sa naturang panukala.
“Unang-una hindi kami naniniwala, ‘yung paid labor kasi parang binabayaran mo ang isang bagay na dapat ay tinutulungan ng lipunan kundi sa pamamagitan ng pagbibigay ng parang sahod, but of course any amount na nakakatulong lalo sa pamilyang mahirap hindi ito ‘yung lunas, hindi ito ang solusyon, kailangan ng mga babae ay trabaho.” Pahayag ni De Jesus
(Balitang Todong Lakas Interview)