Nais ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na maipasa sa susunod na administrasyon ang panukalang batas na lumilikha sa Department on Disaster Resilience.
Inaasahan din ng NDRRMC ang mga senador na makapagbigay ng bagong ideya para mapabuti ito.
Matatandaang noong Enero, sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na ang panukalang batas na lumilikha sa naturang departamento ay malabong maaprubahan ngayong 18th congress dahil sa interpellation.
Samantala, nakatakda naman sa June 9 ang national simulataneous earthquake drill na isasagawa virtually dahil sa patuloy na banta ng COVID-19.