Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na maghahati sa Southern Leyte sa dalawang legislative districts tatlong buwan bago ang May 13 midterm elections.
Sa ilalim ng Republic Act 11198, magkakaroon na ng una at ikalawang distrito ang Southern Leyte.
Ang unang legislative district ay binubuo ng Maasin City, mga bayan ng Macrohon, Padre Burgos, Limasawa, Malitbog, Tomas Oppus at Bontoc.
Binubuo naman ang ikalawang distrito ng mga bayan ng Sogod, Libagon, Liloan, San Francisco, Pintuyan, San Ricardo, Saint Bernard, Anahawan, San Juan, Hinundayan, Hinunangan at Silago.
Samantala, ipagpapatuloy ng incumbent representative ng lone district ng Southern Leyte ang pagkatawan sa naturang distrito hanggang sa mahalal ang mga kinatawan ng una at ikalawnag legislative district.