Isinusulong sa Kongreso ang House Bill 6195 o panukalang batas na mag-oobliga sa mga opisyal ng gobyerno mag-commute ng isang beses sa isang buwan tuwing rush hour gamit ang pampublikong sasakyan.
Ayon kay Aangat Tayo Partylist Representative Neil Abayon, naghain ng nasabing panukala layunin nitong iparamdam sa mga opisyal ang hirap na nararanasan araw araw ng mga pangkaraniwang commuter.
Sakop ng panukala ang “elected at appointed officials” mula sa division chief hanggang sa department secretary.
Ani Abayon, sa pamamagitan ng panukala ay mas magiging epektibo silang public servant dahil mas mauunawaan nila ang hinaing ng ordinaryong mamamayan at maipapasa ang mga batas na higit na kailangan ng publiko.
Samantala, welcome naman ang nasabing panukala sa ilang kongresista at miyembro ng gabinete.
By Arianne Palma