Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong batas na magbabago sa pangalan ng Roosevelt Avenue sa Quezon City.
Batay sa Republic Act 11608, papalitan na ang kasalukuyang pangalan ng Roosevelt Avenue kung saan gagawin na itong Fernando Poe Jr. Avenue (FPJ Avenue).
Ang 2.9-kilometer Roosevelt Avenue, na dumudugtong sa EDSA at Quezon Avenue ay tahanan ng mga ninuno ni Poe kung saan ginugol niya ang halos lahat ng kanyang pagkabata.
Ikinatuwa naman ito ng anak na babae ni FPJ na si Senator Grace Poe kung saan buong pusong nagpasalamat sa pagkilala sa kanyang ama sa kontribusyon sa kasaysayan ng Philippine Television.
Samantala, magiging epektibo ang bagong batas 15 araw matapos ang paglalathala sa Official Gazette o sa mga pangunahing pahayagan.