Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na magbibigay ng 1% preferential tax relief sa lahat ng private schools hanggang June 30, 2023.
Nakasaad ito sa Republic Rct 11635 na sinelyuhan ng Pangulo noong December 10, 2021 pero kahapon lamang isinapubliko ng Palasyo.
Inamiyendahan ng batas ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Law o Section 27 Paragraph B ng National Revenue Code of 1997.
Sa ilalim ng R.A. 11635, ang non-profit hospital at proprietary educational institutions ay dapat magbayad ng 10% tax sa kanilang taxable income maliban kung saklaw ng Subsection D basta’t simula July 1, 2020 hanggang June 30, 2023 ang Tax rate na ipapataw ay dapat 1%.
Layunin ng nasabing batas na tulungan ang mga private school na panatilihin ang kanilang mga guro sa halip na magtanggal bunsod ng COVID-19 pandemic.