Epektibo na ang kauna-unahang batas sa Qatar na magbibigay ng proteksyon sa mga dayuhang manggagawa tulad ng mga domestic helpers.
Isinasaad sa batas na hindi dapat humigit sa 10 oras ang trabaho ng dayuhang manggagawa.
Kabilang na sa oras nito ang break para sa pagdarasal, pahinga at pagkain.
Nililimitahan rin sa may mga edad 18 hanggang 60 taong gulang ang mga dayuhang manggagawa na puwedeng pumasok sa Qatar.
Inaatasan rin ng batas ang mga employers na bigyan ng tatlong linggong bakasyon kada taon at bigyan ng tamang pagkain at tulong medikal ang kanilang mga manggagawa.
Maliban pa ito sa tatlong linggong severance pay kapag natapos na ang kanilang kontrata.
Ang Qatar ang kauna unahang bansa sa gulpo na nagpasa ng batas na pumapabor sa mga dayuhang manggagawa.
Karamihan sa mga manggagawang dayuhan ng Qatar ay mula sa Pilipinas, South Asia at East Africa.
By Len Aguirre