Isinusulong ng POPCOM o Population Commission ang panukalang Teen Pregnancy Prevention Law sa Kongreso na may layuning tulungan ang mga batang ina na magkaroon ng magandang kinabukasan.
Ito ay matapos na ikabahala ng POPCOM na posibleng maging pabigat sa ekonomiya ang pagtaas ng bilang ng teenage pregnancy sa bansa.
Ayon sa POPCOM nakasaad sa nasabing panukala ang pagkakaroon ng komprehensibong programa para matulungan ang mga batang ina sa pamamagitan ng pagbalik eskwela o pagsisimula ng negosyo.
Giit pa ng POPCOM, makabubuting mabigyan anila ng suporta ng pamahalaan ang mga batang ina upang sila ay maging produktibo at hindi na ituring na pasanin ng lipunan.
Batay sa datos ng PSA o Philippine Statistics Authority, umaabot sa 200,000 mga teenagers ang nabubuntis kada taon sa bansa simula 2011 hanggang 2015 o katumbas ng isang milyon sa loob ng limang taon.