Hindi pinirmahan ni Pangulong Noynoy Aquino ang Comprehensive Nursing Law o ang batas na magdaragdag sana sa sahod ng mga nurse.
Sa Veto message ni Pangulong Aquino sa Kongreso, magbubunga, aniya, ng wage distortion kapag pinirmahan ang nasabing panukala at hindi lamang ang mga health care practitioner ang maapektuhan kundi ang iba pang propesyon sa gobyerno.
Bukod dito, ayon sa Pangulo, malalampasan ang sahod ng mga Optometrist at Dentist at posibleng malagay sa alanganin ang kakayahang pampinansiyal ng karamihan sa mga Local Government Hospital na maaaring magresulta sa pagbabawas ng mga hospital personnel.
Idinagdag pa ng Pangulong Aquino na naitaas na ang minimum base para sa entry level ng mga nurse sa pamamagitan ng Executive Order 201 series of 2016.
Mula P. 228,000 na taunang kompensasyon, naging P. 344,000 ito, bukod pa ang kanilang mga benepisyo at allowances.
Sa ilalim ng Comprehensive Nursing Law, iminumungkahi ang pagtataas ng sahod ng mga nurse ng 4 na beses mula sa kasalukuyang minimum base pay.
By: Avee Devierte